Nasa balag ng alanganin ang Pocari Sweat, ­parang eksena sa pelikulang lilitaw bigla ang superhero sa katauhan ni Myla Pablo.

Sa mga krusyal na laro, laging umeeksena si Pablo para paypayan pa ang tsansa ng Lady Warriors sa paghahabol sa pang-apat na sunod na korona sa ­Premier Volleyball League.

Si Pablo ang naging lifeline ng Pocari kaya ­nakaiwas sa exit door ang defending champions nang maigapang ang 25-22, 16-25, 23-25, 25-21, 15-12 panalo kontra Air Force sa Game 2 ng semifinals ng Open Conference noong Linggo sa FilOil Flying V Arena.

Nagpakawala si Pablo ng 20 attacks at two blocks tungo sa 22 points, may 12 digs pa. Naiganti ng Lady Warriors ang 25-20, 25-19, 25-20 loss sa opener para itabla sa tig-isang laro ang best-of-three series.

Winner-take-all bukas, pati ang isa pang pares sa Final Four sa pagitan ng Creamline at BaliPure.

“We just kept the faith and showed teamwork,” giit ni Pablo, sa pinakitang tikas ay nakuha ang Philips­ Gold-PVL Press Corps Player of the Week (Aug. 2-6) honors.

Isa ang dating NU star sa leading contenders sa MVP, pagkatapos ng elimination round ay nangu­nguna sa scoring sa kinamadang 143 points mula sa 128 spikes, 11 blocks at four service aces. No. 2 si Pablo sa spiking department sa 39.75 percent success rating, No. 9 sa blocking (0.42 average per set).