Ibinulsa ng BaliPure ang huling ticket sa semifinals nang walisin ang defending champion Pocari Sweat 25-21, 25-16, 25-23 kagabi sa Premier Volleyball Open Conference sa The Arena, San Juan.
Kung natalo ang BaliPure (4-3), maglalaro sila sa playoff kontra BanKo-Perlas (3-4) na naubusan sa Creamline 21-25, 25-22, 26-24, 28-26 sa unang laro.
Makakalaban ng No. 4 BaliPure sa best-of-three semis ang No. 1 Cool Smashers (7-0).
Maganda ang laro nina Jerrili Malabanan at Fil-Japanese Risa Sato, halos nasa bench lang si three-time NCAA MVP Gretchel Soltones.
Tumikada si Malabanan ng 14 points, nag-ambag sina Soltones at Sato ng 11 at 10 sa Water Defenders.
Magkatapat ang Lady Warriors (5-2) at Hair Fairy Air Force (5-2) sa kabilang pares ng semis na sisiklab sa Sabado.
malamang nagpatalo ang pocari para bigyan sakit ulo ang cool smashers sa kanilang semi final playoff laban bali pure na mayroon deep bench . kasi sa laban ng pocari at bali manalo matalo ang pocari sila pa rin ang nasa no.2 spot