Hindi naging hadlang ang pagiging isang person with dissability (PWD) ng isang 27-anyos na lalaki upang ipatupad ng Cavite police ang batas nang arestuhin ito sa isang buy-bust operation sa Bacoor City, Cavite.

Nakakulong ngayon sa Dasmariñas City Custodial Center ang suspek na si Gerald Tamisis, binata, walang trabaho, ng Excess Lt., Munting Nayon, Brgy. Salitran 3, Dasmariñas City.

Sa ulat ni PCpl. Lorenzo Cawalig, ng Dasmariñas City Police Station, nakatanggap ng tawag ang kanilang himpilan na isang PWD ang umano’y nagbebenta ng marijuana.

Bunsod nito, alas-3:30 kamakalawa ng hapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Dasmariñas City police kung saan isang posuer buyer ang nagpanggap na bibili sa loob mismo ng bahay ng suspek na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.

Inamin ng suspek na kaya ito nagbebenta ng marijuana ay dahil hindi nito magawang magtrabaho at ito lamang aniya ang paraan upang siya ay mabuhay.

Nabatid na ang ama ng suspek ay ­inaresto rin sa iligal na droga.

Nabatid na 10 taon ng hindi nakakalakad ang suspek matapos mabaril sa likod at madale ang kanyang spinal cord. (Gene Adsuara)