Bumulagta ang 40-anyos person with disability (PWD) na lalaki habang namamalimos sa Taft Avenue corner P. Quirino Avenue, Malate, Maynila Huwebes ng umaga.

Namatay noon din ang si Noel Ignacio, at residente ng Paco, Maynila.

Nabatid kay Pat. Mark Anthony Gonzalo, na iniradyo sa ang natagpuang bangkay sa nabanggit na lugar kaya kaagad na nirespondehan.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ni Nora Ignacio, nakatatandang kapatid ng biktima na namamalimos sila sa nabanggit na lugar nang biglang himatayin ang biktima at agad na binawian ng buhay.

Tumanggi naman ang ama ng biktima na si Emerito na paimbestigahan pa sa pulisya ang pagkamatay ng anak sa paniniwalang walang foul play at sakit ang ikinamatay ng biktima. (Juliet de Loza-Cudia)