Qatar ang kontrata, sa Saudi bumagsak

usapang ofw-box chingbee

Sir/Madame,

Respectfully forwarding request for assistance and repatriation from OFW Ms. Jimenez. Pls. find additional information below sent by the OFW. We will highly appreciate your prompt action.

Sincerely,

(Sgd) John Leonard Monterona

U-OFW

***

Tulungan n’yo sana ako sa aking problema. Ganito po, unang destination ko po ay Qatar pero dito ako sa Saudi Arabia pinagtrabaho.

Bukod diyan ay magkaiba rin ang sahod ko. Sa pinirmahan kong kontrata ay Saudi Riyals 1,460 pero naging 1,200 (Saudi Riyals). Matagal ko na pong gustong umuwi dahil napakahirap intindihin ng ugali ng amo-amuhan ko, lahat nalang kinukwenta sa akin.

Ang walong buwang natitira para matapos ang kontrata ko ay hindi ko na kayang antayin. Halos araw-araw akong nagmamakaawa na ako’y pauwiin, pero isa lang ang sagot nila sa akin, bayaran ko raw lahat ng gastos nila sa akin.

Sana ay may magawa po kayong tulong sa akin. Salamat.

Maria Theresa Jimenez

***

Si MARIA THERESA ALEGRE JIMENEZ ay nagtrabaho sa Saudi Arabia sa pamamagitan ng JinHel International Recruitment Corp., na ang emplo­yer ay isang JAMAL A ALBUAINAIN at naninilbihan sa HOUSE #55 ST, 840 ZONE 90 AL WAKRA.

Marso 7, 2015 pa nang dumating ng Saudi si Jimenez.

Ang hinaing ni Ms. Jimenez ay nauna nang naiparating ng U-OFW sa POLO-OWWA RIYADH, OWWA RAD, POEA REPATRIATION UNIT at OFFICE OF THE POEA ADMINISTRATOR, pero wala pa ring nagiging tugon kaya muli tayong nananawagan sa nasabing mga tanggapan na bigyan ng kaukulang atensyon ang hinaing na ito ni Ms. Jimenez dahil malinaw na may paglabag sa kontrata.

Ang BayaniKa ay makikipag-ugnayan sa OWWA at POEA para hingin ang komento sa kasong ito at amin pong ilalathala sa mga susunod na isyu.