Inatasan ng Commission on Audit (COA) ang Quezon City government na baguhin na ang real property market value ng mga lupain na sakop nila sa Edsa dahil ito na lamang umano ang may pinakamababang presyo kumpara sa ibang lungsod.

Ayon sa COA, sa loob ng nagdaang 21 taon, nananatili sa presyong P5,000 bawat metro kuwadrado ang lupain sa Edsa na sakop ng Quezon City dahil hindi umano ito na-update simula noong 1995.

Malayung-malayo umano ang halagang ito sa P55,000 hanggang P80,000 market value sa bawat kuwadradong lupain sa ibang bahagi ng Edsa na sakop naman ng ibang lungsod.

“This has reference to the assessment and property classification in the City which fair market values have not been revised over the years; thus, invariably affecting the real property administration system,” ayon sa sulat ng COA kay Mayor Herbert Bautista noong Oktubre 7, 2016.

Ayon naman kay City Assessor Rodolfo Ordanes, ang sulat ng COA ay nag-aatas sa QC government na mag-update ng kanilang fair market value sa mga lupang nasa kahabaan ng EDSA na nasa kanilang hurisdiksyon.

One Response