QC officials nagpa-drug test

Pinangunahan ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte kasama ang mga konsehal sa lungsod ang pagpapasailalim sa voluntary drug test bilang bahag­i ng kampanya ng lokal na pamahalaan na maging­ drug-free workplace ang lungsod.

Pinangasiwaan ang drug test ng National Reference Council ng Department of Health (DOH) kung saan personal na nagpapirma ng forms sa mga opis­yal para simulan ang kampanya.

“The City Council aims to set an example to all public servants and their constituents and promote a clean and drug-free lifestyle,” ayon kay Belmonte.

Si Belmonte, presiding officer ng QC Council at chairman ng QC Anti-Drug Abuse Advisory Council (QCADAAC) ang nagpursigi na maipatupad ang drug-free workplace program sa lahat ng mga tanggapan sa QC hall, gayundin sa mga barangay bilang pagpapatuloy ng programang masawata ang problema sa iligal na droga sa lungsod.