Maaari nang mag-isyu ng tiket sa mga ­pasaway na motorista ang ilang barangay tanod sa 13 ­barangay sa Quezon City.

Ito ang inihayag ng MMDA na nagsabing sasanayin nila ang mga piling barangay tanod sa 13 barangay sa Quezon City para bigyan ng kaalaman sa anti-littering, anti jaywalking at clearing ng illegal park vehicles, illegal vendors at illegal terminals.

Pagkatapos ng pagsasanay, pagkakalooban ng traffic violation receipts ng MMDA ang mga pili at sumabak sa training na barangay tanod bago ipakakalat para tumulong sa pagmamando ng trapiko.

Ang mga sasanaying barangay tanod ay mula sa 13 barangay sa Quezon City kabilang ang barangay Veterans Village, Ramon Magsaysay, Batasan Hills, Commonwelath, Holy Spirit, Old Balara, Loyola Heights, E. Rodirguez, Immaculate Concepcion, San Martin de Pores, Socorro, Apolonio Samson at Balingasan.