Binasag ni Quezon City’s traffic czar Ariel Inton ang bintana ng kotseng nakaparada sa sidewalk sa Timog Avenue bilang bahagi ng kanilang ginagawang ‘clearing operations’ sa lungsod.
Gayunman, agad namang nag-sorry si Inton, na siya ring officer-in-charge ng QC Task Force for Transport and Traffic Ma­nagement, sa kanyang nagawa sa pagbasag ng luma at puting kotse na nakaparada sa harapan ng Victoria Tower sa Timog, QC nitong Setyembre 24, matapos na makunan ng video.
“But I did it not because gusto kong sira­in but gusto ko lamang ma-ano ‘yung lock ng sasakyan para ‘pag ini-tow po, e hindi po masira ang sasakyan. Iyong pagbasag, I must admit I overdid it and I apologize. Iyong pagkakataon na iyon e ika nga, was a call of judgement. Might be wrong, but really, pasensya na po, na-overdid ko lang po iyun,” paliwanag ni Inton.
Aniya, bago naman nila i-tow ang mga sasakyang iligal na nakaparada ay ikinokunsulta muna nila ito sa village officials.
“We are taking care of all vehicles na ini-tow po namin dito po sa amin. Minsan kahit na kontrolado mo, naki-carry away pa rin tayo… I really apologize, I learned this mistake. We will refine this kasi ayaw ko naman iyong operation namin magkaroon ng lamat dahil sa pagkakamaling ito. I take the blame for this,” giit ng QC traffic czar. (Dolly Cabreza)