Quarantine ‘di hadlang sa training ni McGregor

‘Di sinayang ni Irish Mixed Martial Arts (MMA) fighter Conor McGregor ang pagkaka-home quarantine sa ngayon dahil ibinuhos niya ang oras sa pag-eensayo.

Sa nilabas na video ng Bleacher Report sa Twitter (@BleacherReport) kahapon makikitang busy sa pagsusuntok si Conor sa kanyang training dummy.

Maiispatan rin sa na solo niya ang gym sa pagpapawis.

Magugunitang nakasungkit si McGregor ng panalo kontra kay Donald Cerrone ng Estados Unidos nitong Enero 18. Ang tagumpay ang nagsilbing comeback fight niya sa kanyang karera matapos matalo kay. Khabib Nurmagomedov ng Russia.

Sa ngayon ay wala pa nga lang nakalinya kung sino ang susunod na haharapin ni Ultimate Fighting Championship (UFC) star McGregor. (Aivan Denzel Episcope)