HUMOPIA ang mga P­inoy sa manok natin sa Miss World 2016 na si Catriona Gray, pero hanggang Top 5 lang ang inabot ng gandarang Bicolana.

Bigo itong makuha ang korona.

In all fairness ay standout ang 22-an­yos na model, singer, blogger at philantrophist na si Catriona among the girls.

Bukod sa ang ganda ni Cat ay bet na bet namin ang pagiging CLASSY niya.

Sa Talent competition pa lang ay nag-shine na siya sa kanta niyang I Believe.

Sa Beauty with a Purpose challenge ay liyamado rin siya dahil sa charity projects niya para sa mahihirap dito sa ‘Pinas.

Wagi siya sa Multimedia challenge, k­aya pasok agad siya sa Top 20.

Maging sa casual interview nang tanungin siya ni Megan Young ay kabogera na agad ang sagot ni Cat.

At wala siyang kaba, lagi siyang cool and poised. Pagdating sa final question ay doon na nangabog ang dalagang taga-Albay, Bicol.

Sa tanong ni Miss World 2015 M­ireia Lalaguna na, “Which qualities do you think it will take to wear my crown?” ay FLAWLESS ang sagot ni Catriona.

“I think, first of all, it takes bra­very. To be a Miss World is to carry a burning torch, it is the action carried out by one to illuminate the lives of many and I would dedicate my whole self, my love for the arts, and my voice to try and uplift, empo­wer, and educate people.­

“And it would be my greatest ho­nor and duty to hold this torch high enough so that all the world could feel and see its light,” ang walang gatol at very sincere niyang sagot, na umani ng masigabong palakpakan sa loob ng bagong bukas na MGM Natio­nal Harbor sa Oxon Hill sa Maryland, USA.

SLAY kung SLAY ang ating kandidata sa Q&A portion, na isa sa pinakabonggang sagot na narinig namin from a Miss World contestant.

Pero nang i-announce na ni Ms. Julia Morley ang winner, laglag sa F­inal 3 si Cat!

Ang pinatungan ng korona bilang Miss World 2016 ay ang 19-year-old model from Puerto Rico na si Stephanie del Valle.

1st runner-up si Miss Dominican Republic Yaritza Reyes at 2nd runner-up si Miss Indonesia Natasha Mannuela.

Luhaan si Catriona!

ANYAREH?!

***

Mabilis na nag-trending sa Twitter Philippine si Catriona kahapon a­fter the pageant.

Dismayado ang Pinoy pageant fans dahil mukhang in the bag na ang ating 2nd Miss World crown, pero ayun at na-LOTLOT tayo.

Bentang-benta sa amin ‘yung nag-tweet ng, “Oh Catriona, I wanna carry that BURNING TORCH right now and throw it to the judges!”

Marami rin ang humirit na si Miss Philippines ang dapat na nanalo ay si Catriona at tunay na QUEEN hindi lang ng mundo kundi pati ng b­uong SOLAR SYSTEM!

Ang titindi ng panlalait at panlilibak ng naghihimutok na fans sa kredibilidad ng Miss World, kaya ang mentor ni Cat na si Jonas Gaffud ay hindi napigilang mag-post sa Instagram nito na, “Hey, c’mon, Philippines.

If we won, no hatred on Facebook right?

“But we did not. Let’s be proud as Filipinos and pageant fans of our girl Catriona Gray.

“For us, she will be always our Miss World.”

Sa pinost ng head ng Aces & Queens na pic nila ni Cat sa IG, ang caption niya ay, “A top three finish would have been great, but I was hopeful of the blue crown.

“Nevertheless, I am still very proud of your achievement at Miss World, Catriona Gray. Top 5 is tough. Wishing you the best on your future endeavors.”

***

After the coronation night ay nakausap si Cat ng Philippine pageant website na OPMB at ang sabi ng dalaga, “I really gave my all and I hope I made you guys proud.

It was an honor to carry the Philippine flag on a world stage. Salamat.”

Nang tanungin si Cat kung anong plano niya ngayong tapos na ang kompetisyon, ang sagot n­iya ay, “I don’t know. Christmas muna. Sleep muna, hibernate.”

Ang ating Miss World 2013 na si Megan Young ang nag-host ng MW pageant this year kasama si Tim Vincent ng Access Hollywood.

Kahit 3 years ago na mula nang manalo si Megan ay lumulutang pa rin ang beauty at stage presence niya.

Parang kering-kering kabugin ni M­egan ang lahat ng girls na nasa stage nu’ng gabing ‘yon.

One Response