Showbiz na showbiz na ang Miss World Philippines 2012 na si Queenie Rehman. Mananakot siya sa pelikulang “Second Coming” na ipapalabas sa February 27.

Proud siya sa pelikulang ito. Ang caption nga niya sa kanyang Instagram account.

“Ang multo ng nasirang asawa ng pinakasalan mo, babalik para tapusin ang buhay niyo.

Ano ang mga sikretong mabubunyag sa pagbabalik ng multong ito?

Hindi lahat dadalhin sa kamata­yan, mayroong bumabalik.

“Jodi Sta Maria returns to horror with Marvin Agustin, Bing Loyzaga, Queenie Rehman, Angelica Ulip and John Arcilla,” post niya sa kanyang IG account.

Sa naturang pelikula ay hindi niya patatahimikin sina Marvin at Jodi dahil mayroon siyang gustong balikan at sikretong gustong ilantad.

Samantala sa mga susunod na pelikula ni Queenie ay willing magpasilip si Queenie ng boobs. Handa na rin siyang mag-pose nang hubad sa international men’s magazine.