Pantasya ng mga kala­lakihan ang alindog ni Quennie Marie Orbeta.

Nakakasilaw ang kanyang alindog dahil sa kaputian. 2015 nang koronahan siya bilang grand winner ng Bb. Muntinlupa. 

Ito ang dahilan kaya naging kinatawan siya ng Muntinlupa City sa naganap na Miss Tourism Philippines 2016.

Nanalo siya bilang 3rd runner up at napakaraming special awards. Nagtapos siya nu’ng 2017 ng kursong BS Political Science sa Dela Salle University. Naging aktibo rin si Queenie sa kanyang civic works.Right now, katuwang niya ang kanyang mga magulang sa pagma-manage ng kanilang family business na lechon manok at isang milk tea shop sa Muntinlupa. Pangarap niya na ma­ging abogado balang araw. Si Quennie ang tipo ng taong may pangarap, talino at determinasyon. (Roldan Castro)