Labing-isang katao ang kumpirmadong sugatan sa nangyaring pagsabog sa isang bangketa sa Quezon Boulevard, malapit sa Quiapo Church sa lungsod ng Maynila itong Biyernes ng gabi.
Ganap na alas-10:50 ng gabi ng mangyari ang insidente sa isang peryahan sa Quezon Boulevard na sakop ng Barangay 391 sa Quiapo.
Ayon kay NCRPO Director Oscar Albayalde, 11 katao ang sugatan na naireport kay Manila Police District (MPD) Director PSUPt Joel Coronel.
Sa inisyal na pagsisiyasat, ang pagsabog ay posibleng away umano sa sugal.
Batay sa mga saksi, riding-in-tandem umano ang nakitang naghagis ng isang plastic sa lugar bago ang pagsabog.
Sa ulat ng rumespondeng Philippine Red Cross, dinala ang mga sugatang biktima sa Jose Reyes General Hospital, Philippine General Hospital, Hospital ng Sampaloc at Mary Child Hospital.
Dalawa sa mga biktima ay higit na nasugatan kunsaan ang isa ay tinamaan sa puwetan habang ang isa ay naputulan ng isang binti.
Isa improvised pipe bomb ang ginamit sa blast site.
Paniniyak ni Albayalde, wala itong kinalaman sa terorismo o panggugulo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit sa Maynila.
“Wala ito. With all indications, wala. Ito ay isang home-made na pipe bomb… at napakaliit na pipe bomb,” paglilinaw ni Albayalde.
Dagdag pa ng awtoridad na gang war ang pinagmulan ng kaguluhan dahil may nangyaring sagupaan umano ng dalawang grupo, dalawang araw bago mangyari ang pagpapasabog.
Sinisiyat nang husto ng kapulisan ang insidente batay na rin sa CCTV footage sa lugar.
“Wala ito. With all indications, wala. Ito ay isang home-made na pipe
bomb… at napakaliit na pipe bomb,” paglilinaw ni Albayalde.
lol, Labing-isang katao ang kumpirmadong sugatan tpos wala lang ito…hahaha, cover-up p more. Safe and Fun in d Phils!