Umalingawngaw na naman ang bisinidad ng Quiapo sa Maynila matapos na sumambulat ang homemade bomb na nagpatimbuwang sa tatlo katao na kinabibilangan ng bomber, kahapon ng hapon at nasundan ng isa pang pagsabog kinagabihan.
Bunsod ng panibagong pagpapasabog na ito ay nasawi ang tatlo katao kabilang ang may hawak mismo ng bombang sumabog at apat naman ang sugatan sa Norzagaray st., Islamic Center, kagabi sa Quiapo, Maynila.
Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga nasawi habang isang paslit ang nadamay sa pagsabog.
Sa inisyal na ulat ng Manila Police District (MPD) naganap ang pagsabog dakong alas-5:40 ng hapon, sa Norzagaray st., ilang hakbang lang malapit sa Barbosa Police Community Precinct (PCP).
Napinsala din ng bomba ang isang tindahan ng RTW.
Habang isinusulat ang balitang ito ay kinordon na ng mga tauhan ng Manila Police District ang lugar na pinangyarihan at nagdatingan na rin ang Explosive Ordnance Division (EOD), Special and Weapons and Tactics (SWAT) ,Scene of the Crime Operatives (SOCO) at patungo rin sa lugar sina MPD director , Chief Supt. Joel Napoleon Coronel.
Nabatid sa ilang tauhan ng MPD na nagsasagawa ng clearing operation ang EOD sa lugar kaya hindi pa pwedeng pasukin ang kordon para makatiyak na wala nang madadamay.
Ayon sa source, walang nangyaring police operation sa lugar bago ang insidente.
Pero bago umano ang pagsabog ay isang lalaki ang nakitang may dalang bomba at sa kanya umano ito sumabog at isa pang lalaki ang tinamaan.
Isang rider rin ang pinaniniwalaang nasabugan habang nakasakay sa kanyang motorsiklo na pinaniniwalaang patay na rin.
Dakong alas-8:30 kagabi nang muling magkaroon ng panibagong pagsabog sa Norzagaray habang naroroon pa mismo sina Coronel at Chief Superintendent Oscar Albayalde.
Dalawang taga bomb squad umano ang nasugatan sa pagsabog.
Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi nina Coronel at Albayalde na clan war ng dalawang lahi ng Muslim na Sunni at Shia ang ugat ng kambal na pagpapasabog.
Sa ganitong sitwasyon talo ang mga pulis sa mga tactica ng mga kalaban..unang unaulog tulog sa pansitan ang nakatalaga sa mga police stations.panagalawa.saka na sila magmamasid sa mga tao kung may nangyayari na.pangatlo panay pangutong lang ang mga pulis diyan.