Quinahan pasok na, Taha alanganin pa

jr-quinahan

Nagkasundo na ang GlobalPort at bagong saltang si JR Quinahan, pero hindi pa mapa-oo si Yousef Taha.

Ayon sa isang source, pinapirma na ng Batang Pier ng dalawang taong kontrata si Quinahan, tumawid sa team mula Rain or Shine kapalit ni Jay Washington noong isang buwan.

Hindi ibinunyag kung magkano ang halaga ng deal, pero malapit-lapit din umano ito sa hiling ng 6-foot-6 center-forward.

“Happy na si JR sa nakuha niya,” anang source na hindi nagpabanggit ng pangalan. “Hindi man umabot du’n sa gusto niya, at least very close naman kaya pumirma na rin siya.”

Natengga ang negosasyon kay Kuwait-born center Taha dahil ayaw pa umano nitong tanggapin ang alok. Balak na nga raw niyang umatras o kumalas.

“Ang gusto kasi ni Taha, three years na kontrata. Pero one year lang ino-offer ng team,” paliwanag ng source. Hindi na ni-renew ng GlobalPort ang contracts nina frontliners Dorian Pena at Mark Isip. Mamanduhan nina Quinahan, Doug Kramer, Billy Mamaril, Rico Maierhoffer at ­Anthony Semerad ang frontline ng Batang Pier.

Hugot ng GlobalPort sa special draft si Von Pessumal at nabingwit si KG Canaleta mula sa free agency.