Si Robert Sylvester Kelly, 52, ay inutusan ng korte na magbayad ng $1million piyansa sa korte noong Sabado matapos siyang dakpin dahil sa 10 counts of aggravated criminal sex abuse na isinampa laban sa kanya.

Pinatawan siya ng hukom ng $250,000 piyansa para sa apat na kasong isinampa laban sa kanya kaya sa kabuuan ay kaila­ngan niyang magba­yad ng $1milyon. Nakiusap ang kanyang mga abogado na kung maaari ay 10 porsiyento ng ha­laga ng piyansa muna ang bayaran nila na nagkakahalaga ng $100,000 para pansamantalang makalaya si Kelly. Pinakiusapan ng kanyang mga abogado ang hukom na babaan ang piyansa dahil walang sapat na halaga si Kelly para ibayad dahil nga sa ginawang pagtanggal sa kanya ng humahawak sa kanyang record label.

Matatandaan na sumuko sa mga awtoridad noong Biyernes nang gabi si R. Kelly matapos siyang sampahan ng 10 counts of aggravated criminal sex abuse. Ito’y dahil sa kasong child pornography, pakikipagtalik sa mga menor de edad, at pangunguna sa sex cult at sexual battery.