Nakapag-iinit ng katawan ang alindog ni Rabiya Mateo. Makikita ang sample nito sa kanyang Instagram account na lalong nagningning ang kanyang kaseksihan sa suot na red two piece swimsuit. Ito na kaya ang pampa-suwerte niya para masungkit ang titulo?

Siya ang Miss Iloilo Universe 2020. Sasabak siya sa Miss Universe Philippines 2020 bilang pambato ng kanyang lalawigan. Ang kahulugan ng Rabiya ay prinsesa o reyna.

Bukod sa kanyang kagandahan, nakakabaliw ang makurbang katawan at flawless na complexion ni Rabiya. Hindi naman ito nakapagtataka dahil isang beauty queen ang dalaga. Siya ay 23 years old, may taas na 5’6” at tubong Balasan, Iloilo. Nagtapos na cum laude si Rabiya ng kursong Bachelor of Science degree in Physical Therapy sa Iloilo Doctors College.

Si Rabiya ang klase ng babeng hahanap-hanapin ang kariktan ng maraming barako. Ang kanyang matinding rehistro sa opposite sex ay sapat, para makompleto ang araw ng maraming kalahi ni Adan.

Oozing with sex appeal si Rabiya .Havey na havey talaga ang kanyang porma sa mga kalalakihan! Luluwa talaga ang mga mata ng mga barakong mahilig sa mga hot babe kapag nabistahan ang porma ni Rabiya. (Nonie Nicasio)