Racela ‘di magmemenor kay Alas

Ayaw munang magrelaks ni coach Nash Racela kahit pa kakagaling lang sa panalo sa PBA Philippine Cup elims noong Enero 31 kontra sa KIA 90-85 na talagang binulaga sila sa ipinakita ng kalaban.

Tabla sila ng Rain or Shine sa team standing sa 4-3 win-loss record para sa fourth-fifth kaya kung makukuha ng Talk ‘N Text KaTropa ang ikalawang sunod na panalo’y masosolo ang pang apat na puwesto sa ibaba ng Alaska Milk (6-2), Magnolia (6-2), at defending champion San Miguel (6-1).

“Every game is important at this stage of the conference,” wika ng Texters coach na kasalpukan ggayon ang Phoenix Petroleum, alas-4:30 ng hapon ngayon, sa MOA Arena, Pasay City. “We need to get wins to have a favorable position in the playoffs.”

Sa kabilang banda, babawi ang PP sa pagkaligwak sa Alaska noong nakaraang Miyerkoles 75-93 upang umangat mula sa apat na magkakabuhol sa pang-anim hanggang pangsiyam sa barahang 3-4.

Matapos nilang talunin ang Ginebra na isa sa mga heavyweight ng liga 87-82 noong Enero 26, napatunayan nila na kaya nilang sumabay kahit pa hindi ganon kalakihan ang kanilang mga manlalaro.

Bigo nga lang sila na sundan ito sa kanilang paghaharap ng mas preparadong Aces.

“Bad loss againts Alaska then up againts a team na di pa namin tinatalo,” sambit ni Phoenix coach Louie Alas. “Anyways its hard to beat TNT in shoot out, super explosive, very talented, we need to e great in stopping them individually and contain their team tendencies.”(Christian Cortez)