ANG nagwaging Bb. Pilipinas-Universe 2017 na si Rachel Peters ay pinuri sa sagot niya sa Q & A portion.
Aminado siyang sobra siyang kabado pagkatapos niyang malagpasan ang naturang bahagi ng competition.
Ani Rachel, “I was very nervous. As soon as I got up stage, I was trying to think about what I was saying and I couldn’t remember, but all the girls were saying ‘oh you did really good, you did really good.”
Ayaw na sana niyang sumali sa Binibini dahil sa ‘di niya gaanong magandang karanasan nang sumali siya sa Ms. World-Philippines nung 2014.
Hindi nakuha noon ni Rachel ang title, at hanggang 4th princess lamang siya. Hindi siya masaya sa Q & A portion nang lumaban siya sa Ms. World-Philippines, kaya nagdalawang-isip siyang sumali sa Binibini, kahit marami na ang nangungulit sa kanya.
“It took me two years to gain confidence to be able to do it again. And after deciding, I was training for about four months,” sabi nito.
Natuwa rin si Rachel sa magagandang komento sa kanya na kamukha niya ang dating Ms. Universe na si Gabriela Isler at pati ang Kapuso actress na si Solenn Heussaff.
“Oh they’re all compliments, you know she was Ms. Universe and that’s what I’m aiming for from day one, and so it also motivated me.
“I watched a lot of videos of her and so thank you Gabriela Isler for the motivation,” nakangiting pahayag ng bagong Bb. Pilipinas-Universe.
Marami ang nakaalam na si Rachel ang kasalukuyang girlfriend ng Camarines Sur Governor Migz Villafuerte.
May narinig kaming tsikang sobrang suportado raw ni Migz ang kasintahan.
Napapag-usapang bumili ang Camsur governor ng isang libong tickets na medyo malapit pa ang upuan.
Kaya ang dami talagang nag-cheer sa kanya.
Hindi namin alam kung tig-magkano ang ticket na binili, pero madugo kung totoong isang libong tickets nga ang nabili nito.