Rey Pumaloy

Ayaw paawat ang mga beauty queen na ipangalandakan ang kanilang mga kaseksihan sa Instagram. Tila ito lang ang kanilang paraan para makapagbigay ng regalo sa kanilang mga tagasubaybay.

Kahit malamig ang simoy ng hangin sa dagat dulot ng holiday season, nag-iinit naman ang kanilang mga pigura sa Instagram.

Gaya na lamang ni Rachel Peters na talaga namang pang-aginaldo ang drama ng kanyang alindog sa isang resort.

Parang sinasabi na talagang nangunguna ang mga Pinay pagdating sa pagandahan, paseksihan at palakasan ng sex appeal.

Nakakalusaw ang kaseksihan ni Rachel kahit saang anggulo, mapaharap, mapatalikod at mapatagilid.

Hindi talaga nabawasan kahit kapiranggot ang angas ng ganda at pigura ni Rachel. Tila hindi ito papayag na mapag-iwanan lalo’t bitbit pa rin niya ang kanyang korona bilang isa sa pinakamagandang binibini sa buong Pilipinas.

Marami rin namang mga Pinay ang nagkakaroon ng inspirasyon kay Rachel. Patuloy ang kanilang pagpapaganda kahit hindi sila mga beauty queen.