UMEPEK ‘yung plano ng mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong na sa hotel lang sila manood ng coronation night ng Bb. Pilipinas 2017 kesa sa Araneta Coliseum.

Sabi sa amin ni Ms. Sandy nu’ng huli namin siyang makatsika sa grand opening ng resto-bar ni Lotlot de Leon sa Parañaque, for a change ay hindi sila manonood ni Boyet nang live sa Big Dome, baka sakaling manalo ang anak nilang si Bb. #15 Maria Angelica ‘Mariel’ de Leon.

Isa pa ay para silang hihimatayin sa tensyon ‘pag nandu’n sila sa Araneta, so doon na lang sila sa hotel room ni Mariel sa Novotel.

Ayun, tumalab naman at naiuwi ni Mariel nu’ng Sunday night ang korona ng Bb. Pilipinas-International.

Bago pa ang gabi ng kompetisyon ay pawang si Mariel ang hinuhu­la ng beauty pageant experts na mag-uuwi ng most co­veted Miss Universe-Philippines crown.

Hindi man ‘yun ang nakuha niya ay naiuwi ni Mariel ang 2nd most prestigious title.

Nang una siyang suma­li sa Bb. Pilipinas nu’ng 2013 ay pumasok lang si Mariel sa Top 15. This time ay title-holder na siya.

Opera singer ang gandarang anak nina Papa Bo at Ms. Sandy.

Applauded ang sagot ng 23-anyos na dalaga sa Q&A portion at nanga­bog siya nang rumampa sa red Cary Santiago gown kaya siya ang nanalo ng Best in Long Gown.

***

Top winner sa ‘Game of Crowns’ nu’ng Linggo nang gabi ang kandidata ng Camarines Sur na si Rachel Louise Peters.

Bukod sa gandang pam-beauty queen, seksing katawan at charm, si Rachel ang pinakakabogera ang sagot sa kinatatakutang Q&A portion.

Dahil wapak ang sagot ni Bb. #19 ay deserved niya ang titulong Miss Universe-Philippines 2017.

May aura si Rachel na sumo-Solenn Heussaff ang beauty niya.

Boyfriend ang 25-anyos na Bicolana ang young Governor ng CamSur na si Migz Villafuerte.

Sa dami ng nagko-congratulate kay Gov. Migz sa pagwawagi ni Rachel ay parang nanalo rin ito ng titulo.

Maraming tamis-tamisan pics sa Instagram sina Rachel at Migz. Madalas ay nasa dagat silang dalawa dahil pareho silang beach bums.

Laging naka-bikini si Rachel habang si Migz ay shorts lang ang suot. Madalas din silang magbiyahe abroad.

Sumali si Rachel sa Miss World Phili­p­pines 2014, na ang nanalo ng korona ay si Valerie Weigmann.

4th Princess lang doon si Rachel at 2nd Princess si Nelda Ibe, na nanalong Bb. Pilipinas Globe 2017 last Sunday sa Big Dome.

Base sa mga nakita naming pics nila sa IG ay taong 2014 nang maging sina Rachel at Migz.

Halatang sobra silang inlabey sa isa’t isa base sa mga post nila.

Bago ang coronation night ay may post si Migz sa IG na, “So excited for Rachel Peters! By far, you are the most genuine, sexiest and most beautiful of them all. So proud of you!”

Tila match na match ang dalawa — isang pulitiko at isang beauty queen.