Rachelle Ann, blooming sa piling ni Martin

Rachel Ann Martin

TULOY ang nagtutumamis na lovelife ni Rachelle Ann Go sa New York.

Kinilig ang mga nakakita ng Instagram post ni Rachelle Ann nu’ng isang araw na kasama niyang nag-steak dinner ang rumored boyfie niyang si Martin Spies.

“Thank you for being amazing! Happy 30th, Marthinus!!!” ang caption dito ni Shin (palayaw ng Pinay Broadway star) na may kasamang heart emoji at hashtag na #MJSbig30.

Nakaakbay kay Shin ang birthday boy at ang tamis ng ngiti nilang dalawa.

Binati rin ng happy birthday ng IG followers ni Shin si Martin at ang daming pumupuri sa kaguwapuhan nito.

Comment ng kaibigang singer ni Shin na si Kyla Alvarez, “Ayan naman, Sis! Love love!”

Halos lahat ng comments ay happy sila for Shin at bagay sila ng nasabing hunky foreigner.
May humirit din ng, “Wedding na next!”

Mukhang sa New York natagpuan ng 30-anyos na dalaga ang kanyang forever.

In fairness ay blooming si Shin at tila kulay-rosas ang paligid niya sa piling ni Martin.

Kahapon naman ay maraming nainggit sa post ni Shin na kasama niya ang vocal coach na si Liz Caplan at ang big winner sa katatapos na Tony Awards na si Ben Platt.

“Met this amazing guy,” ang caption ni Shin sa pic nila ng Tony-winning star ng Broadway musical na Dear Evan Hansen.

Napa-comment dito si Mark Bautista ng, “OMG! Shiiiiiiiiiiin!!!!!”

Sey naman ni Tim Yap, “Wow wow wow, @gorachelleann! Dear Evan Hansen made me super cry!”

Ang alam namin ay hanggang August lang si Rachelle Ann sa Miss Saigon sa Broadway at babalik na siya ng London para gawin ang Hamilton sa West End.