Rachelle Ann, IN DEMAND sa musicals

rachelle-ann-go

LAST year pa namin alam ang tungkol sa balitang magiging part ng Hamilton musical sa London si Rachelle Ann Go.

Naikuwento niya ito sa amin nang magkita kami sa UK nu’ng October of last year, pero secret pa dahil kailangan niya munang mag-New York for Miss Saigon.

Hindi pa man nagsisimula si Shin (palayaw ng singer-actress) sa kanyang Broadway debut as Gigi Van Tranh ay pumutok na ‘yung balita about Hamilton.

Nakaka-proud kasi para mapili siya for the role of Elizabeth Hamilton, ang asawa ng bidang si Alexander Hamilton, na pinasikat ni Lin Manuel Miranda sa Broadway.

Hindi pa napipili ang gaganap na Hamilton sa West End.

Bongga ang role ni Eliza at excited kaming mapanood na inaawit ni Shin ang solo song nito na Burn, na feeling namin ay mabibigyan niya ng tagos-pusong interpretation.

September 2017 ang simula ng rehearsals para sa Hamilton UK. November 21 ang start ng previews at December 7 ang official opening nito sa Victoria Palace Theater.

Nagre-rehearse pa lang ngayon si Shin doon sa NYC kasama sina Eva Noblezada (Kim), Jon Jon Briones (The Engineer) and the rest of the cast of Miss Saigon.

Sa March 1 ang simula ng previews nito sa Broadway Theater at March 23 ang official opening.

Dahil babalik siya ng London by September ay ‘limited engagement’ lang si Shin sa Broadway revival ng Miss Saigon.

The rest of the cast ay hanggang January 15, 2018.

Ang taray, in demand! Congrats again, Shin!!