HAVEY: Nagbunga na ang aming panalangin na magkakilala ang aming kaibigang chef ng Sarsa na si Chef Jaypee Anglo at ang ating West End Diva na si Rachelle Ann Go.
Dumating kasi si Shin (palayaw ni Rachelle Ann) at sinorpresa niya ang kanyang pamilya para sa isang linggong bakasyon.
Nataon ding 91st birthday ng lola ni Shin at belated birthday na rin niya at ang kapatid niyang si Oz Go, at ng bunso nilang lalaki.
Kaya isang malaking family reunion at celebration ang naganap habang ang daddy ni Shin ay hindi pa rin makapaniwala na umuwi ito kahit sandali lang.
Gusto rin kasi ni Shin na personal na asikasuhin ang paglalagay ng laman sa bahay niya — mga furniture, kurtina, carpet at iba pang mga gamit — para pagbalik niya sa December dahil dito siya magpa-Pasko ay handang-handa na at tapos na tapos na ito para sa kanyang family gatherings and reunions.
Hindi man natuloy si Shin sa DIVAS LIVE IN CONCERT sa Araneta Coliseum with Kyla, Angeline Quinto, KZ Tandingan at Yeng Constantino, meron nang kapalit na guests na sina Jaya at K Brosas.
Merong mga panggulat na projects si Shin na ikaka-proud nating mga Pinoy, pero may announcement din ang mga ‘yan sa tamang panahon.
For now, hayaan muna nating matuto si Shin ng pagluluto and I bet maraming maituturo sa kanya si Chef Jayps ng Sarsa. Supportive kami riyan nina Juday at Ryan Agoncillo at ang tukso pa nga nila ay “Uy, may kiyemestri!”
Naks!
***
WALEY: Masaya si Luis Alandy sa kanyang pagbabalik-Kapamilya. Umani ng papuri at mataas na ratings ang buena mano niyang guesting sa Ipaglaban Mo.
Ngayon, ariba siya sa pagte-tape at pagbabangko ng episodes sa The Greatest Love at nag-e-enjoy sa team ng mahusay na direktor na si Jeffrey Jeturian.
May nakakasa pa siyang mga pelikula tulad na lang ng Siphayo (with Nathalie Hart and Joem Bascon) na ipapalabas na sa October 5.
May commercial run ang Kusina (with Judy Ann Santos) sa November.
Natapos na rin niya ang Swipe, Tatlong Bibe at Die Beautiful.
Abala na rin si Luis sa paghahanda para sa kanyang kasal. Every weekend na ang kanilang marriage seminar with his fiancee na si Joselle Fernandez.
Deadma na si Luis sa mga intriga about taking advantage sa kanyang leading ladies dahil wala siyang record na ganu’n.
He has remained professional and well-loved especially by his co-stars.
***
For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.