HAVEY: Bago bumalik si Rachelle Ann Go sa London after magtanghal ng Les Miserables dito sa Manila, nag-pictorial at nag-press announcement pa na kasama ang dalaga sa DIVAS LIVE concert sa Araneta Coliseum sa November 11.

Kasama ni Rachelle Ann sina Kyla (Queen of R&B), Angeline Quinto (Queen of Theme Songs), KZ Tandingan (Soul Supreme) at Yeng Constantino (Pop Rock Superstar) sa naturang concert.

Pero dahil sa conflict of schedule ni Rachelle Ann na may ibang acti­vities sa London, hindi na siya makakasama sa concert.

Ikinasaya ito ng ibang tagasuporta niya sa Manila tulad na lang ng direktor na si Bobby Garcia na magsabi na sa stature ni Rachelle Ann, she deserves her own homecoming concert.

‘Yung huling concert ni Rachelle Ann ay ang farewell concert niya na siya mismo ang nag-produce bago siya umalis papuntang London.

Now that Rachelle Ann is out of the Divas concert,  tunay bang DIVAS ang mga na­ngatira sa performers except for Rachelle Ann’s contemporary sa GMA 7 noon na si Kyla na R&B Queen na ang status?

Who will get the top and prime billing kaya that Rachelle Ann vaca­ted?

My guess – Yeng Constantino na grabe to the highlest level ang hype — at ipinantay na kina Ryan Cayabyab, Louie­ Ocampo, George Canseco, Willy Cruz, Rey Valera at Jose Mari Chan sa ASAP tribute to the music Masters.

Nauna pa si Yeng kina Vehnee Saturno, Jim Paredes, Ogie Alcasid at Ely Buendia.

And since she is celeb­rating her 10th year with a musical, push kete push ang lahat kay YENG from being a Rock Star Superstar sa ASAP, ngayon ay isa siyang DIVA!

O, di ba?

***

WALEY:  Masaya si  Eugene Domingo sa kanyang pagbabalik pelikula.

Pagkatapos mag-flop ng Barbers Tales, tila nawalan ng gana si Uge sa paggawa ng pelikula.

Kahit kasi anong dedikasyon niya sa paggawa ng magandang panoorin na nagbibigay karangalan sa ating bansa ay hindi pa rin  ito ganap na tinatangkilik ng ating mga kababayan kapag ­ipinalalabas na ito sa commercial theaters.

Kahit manalo ito ng sangka­terbang awards, nandu’n pa rin ‘yung nalulugi na ang mga prodyu­ser at ‘yung mga kasama sa produksyon ay nalulungkot dahil nais nilang mapanood sana ang kanilang pinag­paguran ng mas mara­ ming kababayan natin.

Nang mag-lie low si Uge sa pelikula, umariba siya sa paggawa ng tv shows.

At heto, parang binigyan siya ng panibagong sigla sa pamamagitan ng pag-offer sa kanya ng Part 2 ng kanyang highly successful na pelikula mula sa Cinemalaya na Ang Babae Sa Septic Tank.

Bizarre, baliw, flip ang pelikula — according sa mga gumagawa nito, pati na ang mga kasama ni Uge na sina Kean Cipriano, Khalil Ramos at Joel Torre.

Maging ang guest stars na sina Jericho­ Rosales at Agot Isidro ay hindi makapaniwala sa tinungo ng istorya.

Intended for the Metro Manila Film Festival 2016, tingnan natin kung makakapasa sa panlasa ng MMFF Selection Committee ang entry na ito ni Uge.

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.

One Response