HAVEY: ­Naanyayahan si Atom Araullo para maging­ host sana sa ­unang anibersaryo ng Ang Probinsyano bukas sa Araneta Coliseum.

Kung natuloy ang plano,­ kasama sana ni Atom na magiging presenter si Gretchen Ho at cast members na sina Agot Isidro at Albert Martinez.

Ngunit manggagaling si Atom sa isang out-of-the-country event kaya hindi ito umubra sa kanyang schedule.

Habang ipinapadala­ namin ang regrets sa talent coordinator na si Winnie, naalala ni Atom kung gaano naging­ mabait sa kanya si Coco Martin nang minsang makasalubong niya sa lobby sa ABS-CBN.

“Mabait, palabati at kita mong simpleng tao na may tunay na malasakit sa trabaho at kapwa, ‘yan ang dating sa akin ni Coco,” sabi ni Atom.

Nang minsang nakapag-usap­ sila, nagtatanong daw talaga­ si Coco tungkol sa trabaho ng isang journalist at kita mo ang ­interes niyang magtanong at ­makinig tungkol sa karanasan ni Atom noong panahon ng bagyong Yolanda.

Sayang at wala sa bansa ang ating mahusay na batang mamamahayag, ngunit ipinaabot niya ang kanyang pagbati at paghanga kay Coco at sa bumubuo ng Ang Probinsyano.

***

WALEY: Nga­yon ang takda naming pag-uusap at pagtatagpo ni Rachelle Ann Go sa London.­

Base sa kanyang schedule, aligaga pa rin siya sa rehearsals at sa pag-aasikaso ng kanyang kaibi­gang bakasyunista na si Jimi Marquez.

Hanggang this weekend na rin lang si Jimi dahil makakasama siya sa Awitawanan show ng TFC sa Dubai, Abu Dhabi at Saudi­ Arabia­ with John Lloyd Cruz, Edgar Allan ­Guzman, Vin Abrenica and Empoy.

In his last days sa London, hindi pinalampas ni Jimi na mapanood ang much talked about last week run ng pagkahusay-husay­ na Funny Girl na theater ­adaptation ng pelikulang ginampanan noon ni Barbra Streisand.

Dito sa West End, ang gumanap na bida ay ang kontrobersiyal na award-winning actress na si Sheridan Smith na tatlong beses nagpabalik-balik pagka­tapos sinuspinde sa pala­bas dahil sa pagka­delingkuwente nito.

Ang napanood ko ay ang kanyang napakahusay na understudy na si Natasha Barnes, at ang napanood nina Shin (­palayaw ni Rachelle Ann) at Jimi ay mismong si Sheridan na silat na sikat sa West End. (Siya rin ang gumanap ng lead star sa Legally Blonde.)

Rave ang magkaibigang Shin at Jimi kay Sheridan at tulad ko, umaasa kaming maga­gawa ni Lea Salonga ang role na ito ni Fanny Brice sa Pilipinas kung magkataon man.

Excited din si Shin na umuwi sa bansa para sa Christmas vacation, and by that time, sana ay fully furnished na ang kanilang bagong bahay at kumpleto na silang p­amilya dahil si Oz Go (na kapatid na designer ni Shin) ay n­agbalik-‘Pinas na rin mula sa Dubai, at ang dati nilang bahay sa Pasig­ ngayon ang tumatayong shop nito.

Mabilis lang ang ­magiging bakasyon ni Shin dahil January, lipa­d na siya agad papuntang New York para sa ­rehearsals ng Miss Saigon­ sa Broadway.

Successful sa career si Shin, pero may time na ba siyang maging ­successful sa lovelife?

“Oo naman, hindi na ako bumabata. Pero ang gusto ko, seryosohang relasyon na if ever. At ipinagdarasal din ­naman talaga ‘yun!” sabi ng ating West End star na very soon eh magiging toast of Broadway na si Rachelle Ann Go.

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.