Rachelle Ann & Martin, ENGAGED NA

martin-rachelle

MORE than two years na ang relasyon nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, pero mas naunahan pa si Sarah na ma-engage ng best friend niyang si Rachelle Ann Go.

Last year lang nagsimulang maka-date ni Shin (palayaw ni Rachelle Ann) ang American business executive na si Martin Spies.

Maraming kinilig sa Instagram posts ni Shin na kasama ang guwapong hunk na nakilala niya sa New York kung saan nag-Miss Saigon siya sa Broadway.

Nitong Agosto lang nakumpirma ang relasyon ng dalawa sa IG post ng singer-actress na may caption na, “Look for a man who will not just patiently wait for you after work, carry your bag ‘coz he knows you’re tired, treat you like a queen, make you laugh constantly but also puts God first and pray for/with you.

“If he loves God first he will also honor & respect you all the days of your life!”

Super-happy for her ang mga kaibigan ni Shin dahil hindi lang guwapo’t matangkad si Martin kundi maka-Diyos pa.

Sa Boracay naganap ang proposal ng hunkylicious boyfie ni Shin nu’ng September 5.

Ipinagdasal ito ni Shin sa kanyang 31st birthday nu’ng August 31.

Kilig much ang IG post ni Martin ng kanyang kneeling pic by the beach, na ang sweet caption nito ay, “All the Glory to God for bringing me this woman into my life. My future wife, Shin Shin!”

Dumating sa Bora sina Kyla, Yeng Constantino, Erik Santos, at iba pang kapatid ni Shin sa Cornerstone Entertainment para sorpresahin ang newly-engaged couple.

Kamakalawa ay nag-tweet si Shin ng “My fiancé,” with matching pic nila ni Martin.

Isa sa mga nag-tweet kay Shin ng “Congratulations,” ay si Matteo Guidicelli.

Kaya may nagtanong na fans kay Matteo kung kailan naman ang engagement nito at ng nobyang si Sarah.

Noon pa may bali-balitang engaged na ang AshMatt, pero itinatanggi ‘yon ng dalawa.

‘Sabagay, mas matanda si Shin kay Sarah kaya okey lang na mauna itong magpakasal.

31-anyos ang Broadway/West End star habang 29-an­yos ang Popstar Princess.

For sure, masaya si Sarah sa pagiging engaged ng kanyang bestie. At malamang maging part siya ng wedding nito kay Martin.

Kahapon ay may IG Story si Shin na nagpapaalam siya sa kanyang mga alagang aso dahil fly na siya pabalik ng London para sa rehearsals ng musical na Hamilton.

Sa December 6 ang simula ng previews at sa December 21 ang opening night ng Hamilton sa newly restored Victoria Palace Theatre sa West End.

Kung tama ang dinig namin ay next year nakatakdang maging Mrs. Spies si Rachelle Ann.
Congrats, Shin!!