PINAGHAHANDAAN na ni Rachelle Ann Go na mag-Broadway sa susunod na taon.
Masaya niyang ikinuwento sa amin na noong nagsisimula pa lang siya nang nagtu-tour sa Amerika ang grupo ng Champions, manghang-mangha siya sa USA.
“Ang unang stop pa namin nu’n, sa New York. Sinabi ko talaga sa Times Square, magtatrabaho ako rito,” nakangiti niyang pahayag nang makausap namin sa London, UK.
“Naisip ko nga, nangyari na ba ‘to? Basta, na-claim ko na talaga nu’n pa.”
Sa January next year ay sa Amerika na siya dahil bandang March na magsimula ang revival ng Miss Saigon sa Broadway.
Bago siya mag-Amerika, uuwi muna siya ng Pilipinas.
“Gusto ko, magpahinga muna talaga ako. Sa family lang. Excited ako na sa Pilipinas mag-Christmas. After two years, sa atin ako magki-Christmas.”
Baka magkaroon siya ng show sa Manila pag-uwi nya pero maliit lang.
“Mas gusto ko kasi, rest lang talaga. Kasama ang family ko.” Baka blessing na rin ‘yun ng bahay niya na ipinatayo.
Halos 7 years ding pinaghandaan ni Rachelle Ann ang bahay para sa pamilya niya.