RACHELLE ANN, PUMAPAG-IBIG SA NEW YORK

RACHELLE ANN GO at BF

Kahapon ay kinilig ang Instagram followers ni Rachelle Ann Go sa pinost niyang black & white pic na may kasama siyang isang hunky guy.

Habang nakapila sa labas ng Richard Rodgers Theatre para manood ng megahit Broadway musical na Hamilton ay tamis-tamisan ang pagkakadikit ng kanang pisngi ni Shin (palayaw ng singer-actress) sa dibdib ng kanyang guwapong ka-date.

Ang sweet ng kanilang ngiti!

Walang caption ang nasabing pic at hindi rin tinag ni Shin ang kanyang hot date.

Tall, fair and handsome ang nasabing lalaki kaya mabilis na PINUSUAN ng netizens ang sweet pic nito kasama si Shin.

Panay positive ang nabasa naming comments, na ang sabi ay bagay na bagay sila nu’ng guy at na-happy ang fans ni Shin na meron na ulit siyang lovelife.

In short ay pasado sa panlasa ng supporters ni Shin ang bagong lalaki sa buhay niya.

Cute ‘yung patuksong comment ni Nikki Gil na mukhang updated sa lovelife ni Shin.

Sabi ni Nikki, “Launching naman pala today, hindi ako na-brief!”

Base sa napag-alaman namin ay Martin Spies ang name ng hunky date ni Shin.

Naka-private ang IG account ni Martin, pero nakita namin na bukod kay Shin ay pina-follow din ito ni KC Concepcion.

Si Martin ang escort ni Shin sa opening night ng Miss Saigon sa Broadway Theatre nu’ng Marso.

At nito lang April 10 ay magkasama rin silang nag-church, kumain at nag-thrift shopping sa Brooklyn kasama ang dalawang girl friends ni Shin.

Ang sabi sa amin ng 30-anyos na Broadway at West End star nang makausap namin siya last time sa London ay napansin niyang tila masyado na siyang naging choosy pagdating sa lalaki.

As in tumaas lalo ang standards niya at ayaw niya ‘yung basta magka-boyfriend lang.

Sey ni Shin, hangga’t maaari, ang gusto niyang susunod na karelasyon ay ‘yun na sana ang kanyang makakatuluyan.

Malaking bagay rin sa kanya kung Christian din ang lalaki gaya niya. Since magkasama silang nag-church ni Martin sa NYC, malamang Christ­ian din ito.

Hindi lang namin sure kung tagaroon sa Big Apple ang bagong APPLE OF THE EYE ni Shin o bumibisita lang ito.

Later this year ay iiwan ni Shin ang Broadway stint niya sa Miss Saigon as Gigi Van Tranh at babalik siya ng London para gumanap sa role ni Eliza Schuyler-Hamilton sa West End production ng Hamilton.