Lyca Guiranod
Lyca Guiranod

HAVEY: Ang mala-Superstar na nanalo ng The Voice Kids Season 2 na si Lyca Guiranod ay magkakaroon na ng pelikula.

Kung noon, ang sinasabi ng showbiz insi­ders ay naungusan na siya nang tuluyan ng kanyang runner-up na si Darren Espanto, heto ang offer sa kanya na maging star ng isang pelikula — bagay na ipagkakaiba niya kay Darren.

Intended for the Me­tro Manila Film Festival (kung aabot), ang pelikula ay may title na Tatlong Bibe.

Tungkol ito sa pagmamahal sa pamilya, pagpapatawad, pagbibi­gay at paggawa ng mabuti — mga pagpapahalaga na dapat mapalaganap lalo na sa panahon ng Kapaskuhan.

Makakasama ni Lyca ang wonder kids sa telebisyon na sina Raico Matteo (Honesto) at Marco Masa (Natha­niel).

May malakas na support ang project na mga premyadong aktor at aktres, at may special participation ng isang mil­yonaryang mahal ng masa at nagsasabing puwede siyang maging all-out komedyana na nakaka-excite raw talaga.

Baka mamigay pa ito ng datung sa set, malay mo!

Sa first shooting day nila ngayon, makakasama ni Lyca si Victor Neri bilang tatay.

Kaabang-abang ang iba pang award-winning actors na makakasama sa pelikula.

At ito’y gagawin nila dahil sa pagmamahal kay Direk Joven Tan at sa Regis Films at Scenema Concept International.

Ang tanong, kanino babagay si Lyca, kay Honesto o kay Nathaniel?

Itanong natin sa The Voice Kids runner up niya na si Darren.

***

Rachelle Anne Go
Rachelle Anne Go

WALEY: Noong tumutulong si Chef Jayps Anglo ng Sarsa (at Junior Master Chef Philippines) kay Judy Ann Santos sa pag-e-execute ng espesyal na adobo sa pelikulang Kusina, nababanggit na niya sa amin kung gaano niya hinahangaan ang ating West End star na si Rachelle Ann Go.

Ngunit dahil sa London naka-base si Shin (palayaw ni Rachelle Ann) hanggang matapos ang kontrata niya sa Les Miserables, mukhang sobrang effort ni Chef Jayps kung gusto nitong magparamdam kay Shin.

Kaya noong nag-post ako ng aming pagha­handa kasama ng columnists ng Abante Tonite na kailangan nang ayu­sin ang mga papeles para sa UK visa, nakakatuwa na parang gustong sumama ni Chef Jayps para maipakilala na sa kanya si Shin.

Ang sabi ni Chef Jayps­, “I’m on my way.”

At sinagot naman ito ni Rachelle Ann ng “See you all soon” at isinama niya ang pangalan ni Chef Jayps.

May kilig na hatid ito dahil mukhang seryoso na si Shin ngayon sa kanyang magiging relasyon.

May pagkakataon pang nag-uusap kami na baka afam (foreigne­r) ang para sa kanya at ‘yung hindi na naglalaro at mas may maturity na.

Gaano kaya kapursigido si Chef Jayps kay Shin na minsang nagtanong sa akin kung kumusta si Shin bilang anak?

Ang sabi ko ay siya ang breadwinner at siya talaga ang nag-aalaga sa kanyang mga magulang at pamilya.

Labis ‘yung ikinamangha ni Chef Jayps, dahil ang punto niya, ang mga taong mababait sa magulang ay tunay niyang hinahangaan.

Magklik kaya ang luto ni Chef Jayps kay Shin? Sana nga, magtagpo ang kanilang panlasa.

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.