Rachelle Ann Go
Rachelle Anne Go

LONDON, UK. Happy si Rachelle Ann Go para sa kanyang best friend na si Sarah Geronimo na masaya ngayon sa piling ng nobyong si Matteo Guidicelli.

Nang umuwi ng Pilipinas kamakailan si Shin (palayaw ni Rachelle Ann) for a short vacation ay nagkita sila ng bestie niyang si Sarah at dumating din sa pa-dinner get together niya sina Yeng Constantino at Mark Bautista.

May Instagram post pa si Shin na pic nila nina Sarah at Yeng na ang caption niya ay, “DoReMi remake??? What you think? Hmmm. I love these ladies so much!” na may pa-hashtag na #YRS.

DoReMi ang hit musical comedy movie nina Donna Cruz, Regine Velasquez at Mikee Cojuangco nu’ng 1996.

Anong masasabi ni Shin na tahimik ang career ngayon ni Sarah at parang mas gusto nitong magpahinga (at mag-lovelife) kesa magtrabaho?

“That’s her choice. She wants to rest and I respect her for doing that. Because imagine, all your life, you’ve been doing shows, ‘di ba? You need a break.

Sarah Geronimo
Sarah Geronimo

“Ako nga, feeling ko, break ko ‘to, eh. Alam mo ‘yung parang wala kang pressure? Iba kasi ang showbiz life sa Pilipinas, eh.

“Dito sa London, ewan ko, walang pressure. Pagod ka nga, eight shows a week ang ginagawa mo, pero walang pressure dahil work lang talaga.

“Puwede kang lumabas nang nakatsinelas, walang pakialam ang mga tao sa ‘yo. Alam mo ‘yon? Sa atin, iba eh,” bulalas ni Shin nang makatsika namin siya over afternoon tea nu’ng Friday, sa Laduree patisserie na malapit lang sa tinitirhan niyang flat sa Covent Garden.

Hindi ba siya uma­bot sa ganu’ng punto na mas gusto niyang magpahinga kesa magtrabaho?

“Hindi, kasi I’m not like that. I mean, Sarah­ is a big star, you know. Eh, hindi naman ako umabot sa ganu’n ka-busy ‘yung life ko.

“Chill lang ‘yung mga show ko. I don’t do movies, I don’t do teleseryes. Nagteleserye ako before, pero hindi mabigat. Pa-sweet lang.”

So, happy siya for Sarah kahit hindi ito ganu’n ka-active at ka-visible ngayon sa showbiz?

“Oh, yes. Dapat nga, pupunta siya rito, eh. Kaso, hindi naayos ‘yung ­schedule yata.

Yeng Constantino
Yeng Constantino

“Dito siya dapat sa akin (sa kanyang flat sa may Covent Garden) mag-i-stay. Sabi ko, ‘Next time!’”

Naipakilala na ba sa kanya ni Sarah si Matteo?

“Oo, lumabas na kami before sa Manila. He’s ­really nice.”

Boto naman siya kay Matt for Sarah?

“Oo. Nice boy. As long as she’s happy…”

Hindi ba siya nainggit na parang kabog siya ngayon ni Sarah dahil may lovelife ito, tapos siya ay wala?

“Masaya na akong masaya sila,” maiksing sagot sa amin ni Shin.

‘Sabagay, dati naman, siya palagi ang may lovelife, si Sarah ‘yung wala, ‘diba?

“Oo nga, eh. Kaya ibibigay ko na sa kanila ‘yan, ‘di ba? Ngayon kasi, sobrang tumaas na ‘yung requirements ko sa guy (na magi­ging karelasyon).

“Feeling ko parang, ‘Posible pa ba ‘to, Lord?’ Para kasing pa-perfect na ‘yung hinahanap ko. Hindi ko alam kung bakit, masyado na akong choosy.

“Pero I still believe. I still have faith na darating siya.”

One Response