Racing Feature: Carry-over

racing-feature andy sevilla

May nakalusot na mga llamado pero grabe naman ang mga dehadong nakalusot na nagresulta sa paumumutiktik ng mga carry-over sa karera mamayang hapon sa MetroTurf Racing Complex sa Malvar, Batangas.

Una na ang winner-take-all na merong P887,160.44. Iisa lang ang WTA ngayong gabi na magsisimula sa Race 2 para mapagbigyan ang mga gustong humabol sa pananaya at makasali sa carry-over.

Walang nanalo sa hu­ling WTA nu’ng Linggo sa ikatlong edisyon ng Pasay – The Travel City Racing Festival na pinamunuan ng alkalde ng lungsod na si Tony Calixto. Ang unang WTA ay nagkaroon din ng magkahalong llamado at dehado pero nagresulta pa rin sa single winner.

Nagkataon na magkakaroon ng Pasasalamat ni Pasay Mayor Tony Calixto ngayong gabi na ang mga winning owners, trainers, jockeys at grooms ay bibigyan ng tig-isang Christmas grocery gift items.

Tatlong carry-over pa ngayon ay para sa Quartet na merong P64,905, SuperSix (P48,155.48) at Pentafecta (P27,017.07).

Bukas naman makikita at masusubaybayan ang carry-over sa Pick-6 na P386,972.16 sa Isuzu Christmas Rush!

Patalbugan ang lahat ng mga kasali dito at gugustuhing manalo dahil tiyak na matindi ang pa­ngangarera ng mga tao ngayon at bukas.

Magpapamigay ang Isuzu ng magandang Jacket sa mga mananalong hinete ganu’n din sa mga masuwerteng sasali sa raffle kada karera. Sponsor nito ang Isuzu Philippines Corporation na ngayon ay nasa pamamahala ni Hajime Koso.