Racing feature: Jockey Borel babalik

Nababagot at walang ginagawa; magbabalik mula sa retirement ang Hall of Fame jockey na si Calvin Borel.

Ang 49-anyos na hinete ay nag-retiro sa professional riding sa Amerika nito lang Marso.

“When you love something, it’s hard to break (away). This is all I know how to do, and I love it. And I’m healthy. If I wasn’t healthy, I could walk away. But I’m doing so good now. I’m not fighting my weight. I’m so happy,” sabi ni Borel.

Dalawang beses na nagkamit ng riding titles sa Ellis park si Borel noong 1995 at 2011 at siya ang tumanggap ng George Woolke Memorial Jockey Award noong 2010.

Tatlong beses din siyang naghatid ng kampeon sa Kentucky Derby kina Street Sense noong 2007, Mine That Bird (2009) at Super Saver (2010).

Siya rin ang hinete ng bagong Hall of Famer na si Rachel Alexandra, ang 2009 Horse of the Year na nanalo sa Kentucky Oak sa record na 20-1/4 lengths bago nanalo ng Preakness sa taon ding ‘yun.

Sinabi ni Borel na naghahanda na siyang makasakay muli matapos ang ilang panahong nalungkot siya dahil sa kawalan ng ginagawa.

Maraming nagulat nang biglang nagdesisyon si Borel na mag-retire noong March 30 sa Oaklawn Park nang wala man lang matinding dahilan kundi ang sabihan ang kanyang dating ahente na oras na para siya magpahinga.

May nagsabi na ito marahil ay dulot ng pressure sa kanya ng dating kasintahang si Lisa na bumalik na sila sa Central Florida.

Meron siyang kabuuang 5,146 na panalo sa kanyang career, pang-27 sa all-time record.