Ni: Rona Ronda

Lungkot at gulat ang nadarama ng Miss Universe 2018 Catriona Gray dahil sa panlalait na natatanggap online ng bagong titleholder ng Miss U na si Zozibini Tunzi mula sa South Africa.

Sa isang interview, pinahayag ni Catriona ang kanyang saloobin. Aniya, “I think it’s a very sad reality that there continues to be so much criticism and detracting comments online. Even ako I receive my fair share of bashing and criticism during my year, during my competition, and it’s something that we as people should really question like what are our values.”

Ang nakakalungkot pa rito ay ang ilang racist joke ay nagmula pa sa mga Pinoy. Nangunguna sa panlalait ay ang pamumuna sa kulay ni Zozibini.

Malaki ang tiwala ni Catriona sa bagong reigning queen na Miss Universe. Nakakatanggap man ito ng mga hindi kanais-nais na panlalait, hindi ito hadlang para hindi magawa ni Zozibini ang kanyang adbokasiya.