Racraquin hilig rumatrat

Mga laro bukas:
(FilOil Flying V Center)
12:00 nn. – CSB
vs Letran
2:00 p.m. – EAC
vs MU

Chill lang dapat!

Ito ang naging ­pahayag ng veteran outside hitter na si Cesca Racraquin matapos pa­ngunahan ang San Beda Lady Red Spikers kontra JRU Lady Bombers, 25-17, 22-25, 25-27, 25-14, 15-6, kahapon sa NCAA Season 95 women’s vo­lleyball na ginanap sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

“Para sa akin kasi gusto ko mag-slow down kami. Dun kami nadala sa 2nd and 3rd set. So ang nangyari minamadali namin lahat kasi alam namin kaya namin para ‘wow tara bilisan na natin’,” pahayag ni Cesca na rumatrat ng 24 points mula sa kinolektang 20 kills at 22 excellent digs.

“Hindi namin pinag-usapan na ganu’n pero ayun ‘yung lumalabas sa laro.
“Imbis na mag-focus sa receive, naka focus kami dun sa gusto na­ming pumalo agad,” dagdag nito.

Katuwang ni Racraquin sa opensa si Maria Nieza Viray sa inambag na 21 markers para bigyan ang San Beda ng unang panalo sa liga.

Sa unang laban, ­angat ang ­Perpetual Lady Altas sa San ­Sebastian Lady Stags, 29-31, 25-13, 25-20, 20-25. (­Aivan Episcope)