Muling nanakmal si Aurea Francesca Racraquin upang itaguyod ang San Beda College sa 22-25, 19-25, 25-11, 25-17, 15-7 panalo laban sa makukulit na Lyceum of the Philippines University kahapon sa NCAA Season 93 women’s indoor volleyball tournament sa Filoil Arena, San Juan City.

Sumingasing si skipper Racraquin ng 26 points, 14 digs at siyam na excellent receptions para sa Lady Red Spikers patuloy na kumakapit sa tuktok ng liderato.

Ayaw magpaiwan ng San Beda sa defending champion Arellano University, magkasalo sila sa top spot tangan ang tig 6-0 records.

Nag-ambag din si Nieza Viray ng 13 markers para sa SBC na umiskor ng 29 pts. sa errors ng Lady Pirates.

Naging susi rin sa panalo ng Beda volleybelles ang matamlay na first ball reception ng LPU, nakapagtala ang Mendiola-based squad ng 20 service aces.

Bumira si Monica Sevilla ng 13 pts. para sa Lady Pirates habang tumipa si Christine Miralles ng 11. Nalasap ng Lady Pirates ang pang-limang talo sa anim na laro.

Sa men’s division, kinalos ng reigning titlist CSB ang JRU, 25-16, 25-17, 25-20 upang sumiksik sa No. 2 kasama ang AU na may tig 5-1 cards.

Mag-isa sa unahan ng team standings ang University of Perpetual Help System Dalta tangan ang malinis na anim na panalo.(Elech Dawa)