HAVEY: Sa gitna ng balita tungkol kay Mark Anthony Fernandez na nahulian ng isang kilo ng marijuana sa Pampanga at kay Krista Miller at Sabrina M, may kasamahan kami sa panulat ang diumano’y nasilip ang listahan ng mga artistang sangkot sa iligal na droga.
Kaya naman, “this is just the beginning.”
Tuluy-tuloy ang paglilinis ng gobyerno natin sa mga nagtutulak pati na sa mga gumagamit ng droga.
Sa listahan na ipinasilip umano noon ng isang Usec sa kasamang Joey Sarmiento, kasama raw sa mga pangalang nagtutulak at gumagamit ng iligal na droga ang mga sumusunod:
1. Dating sikat na sexy star na hindi na masyadong active sa showbiz
2. Dating matinee idol na anak ng isang sikat na aktor sa showbiz
3. Lalaking field reporter ng isang malaking tv network
4. Isang production executive ng isang indie film outfit
5. Isang radio anchor ng malaking am station
6. Isang TV host na pinagdududahan ang gender
7. Kapatid ng isang sikat na action star
Isa-isa nang mahuhuli at nakukulong ang mga nasabing personalidad.
Unlike sa mga ibang ordinaryong mamamayan na basta na lang natin nababalitaang nahuli o natimbog na, marami nang naging babala at pahaging sa mga taga-showbiz na tinitingala at ginagawaran huwaran ng madla.
Sana ay magkaroon na ng personal na pagbabago ang mga taong sangkot dito sa ipinagbabawal na gamot.
Sayang ang buhay!
X factor Hungary finalist, darating sa `Pinas?
WALEY: By the time you read this ay nakabalik na si Alden Richards sa Maynila pagkatapos ng kanyang “At Last In London” concert.
Katulad ng sinabi ko, may grupo na nagperform na dadalhin daw ng pamosong si Bernard Cloma sa Maynila dahil nagustuhan daw niya ang performance. Ito ay ang mga foreignoy na finalist sa X Factor Hungary noong 2014.
They call themselves “Spoon 21” na kumakanta ng pop rock songs na halong original at covers. Nagustuhan namin ang version nila ng “Fast Car.”
Bago lumabas ang Pambansang Bae sa London stage ay may lumabas na all-female group na pinangalanang “Zyrah Rose” na finalist naman sa British Got Talent ngayong 2016.
Limang covers ang todo bigay at wagas ang paggiling nilang inawit kasama na ang Chandelier, A Thousand Years, Illuminate, Love Me Like You Do at ang well applauded ng OPM hit na “Bakit Labis Kitang Mahal.”
Maganda and sexy naman sila ngunit sinipat silang mabuti ng kaibigang Sol Gorgonio Rula para hindi niya mapagkamaliang mga tranny na ka-look-alike nina GMA Reporter Marisol Abduraman, Ynez Veneracion, Priscilla Meirelles at Giselle Toengi.
Sana ipagpatuloy ng mga kababayan natin na ipakita ang talento at galing nila sa buong mundo!
***
For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.
1. ROSANNA ROCESS?
3. ATOM AURULLO?
6. TIM YAP?
7. ROMMEL PADILLA?/RUSTOM GANDANGHARI?