Wala umanong kinalaman sa pagbababa ng kanyang trust rating ang radio program na nasimulan ni Vice President Leni Robredo noong Linggo kasabay ng Mother’s Day celebration.
Ito ang nilinaw ni Robredo sa kaugnay ng kanyang radio program sa RMN radio na pinamagatang BISErbisyong Leni kasama ang radio anchor na si Ely Saludar na magtutuluy-tuloy tuwing linggo.
“Ay hindi (hindi konektado sa pagbaba ng rating). Nauna pa ito, nauna pa ito. Actually, matagal na siyang ginagawa, parang plinano lang na i-launch noong Sunday dahil Mother’s Day.” ani Robredo.
Si Robredo ay nabawasan ng 15% sa kanyang trust rating sa huling survey ng Social Weather Station (SWS) noong Marso dahil nakapagtala lamang ito ng +30% mula sa +45% noong Disyembre 2016.
Sinabi ni Robredo na nais lamang umano nitong maabot ang lahat ng mga sektor ng lipunan kaya inilunsad ang nasabing radio program na naging matagumpay naman umano sa unang araw.
“Ito lang ang isang attempt para mas ma-reach pa iyong ordinaryong mamamayan,” ani Robredo kung saan inulat nito na maraming nakibahagi sa kanyang programa noong linggo.
Bilang VP dapat walang pang public na programa. Gagamitin lang niya sa pultika at para ipagtanggol ang kanyang sarili. Si Kabayan Noli nga nag-off muna sa programa niya nang naging VP.
pak na pak!
Bastos mo naman. Anong FUCK na FUCK ?
ito piso hanap ka kausap.
Ay! tanga….basa-basa at research-research ka rin pag may time….isinasabak mo lang sarili mo sa kahihiyan…walang nilalabag na batas si VP.Hindi nakakamatay ang pagiging tanga…pero nakakababa ng pagkatao…bwahahaha