Rafael, ‘di susuko sa #cannahopefuls

Rafael Rosell

KAMAKAILAN lang ay ipinost ng manager ni Rafael Rossel na si Popoy Caritativo ang resulta ng drug test ng aktor.

Bahagi raw ito ng pagsuporta sa kampanya ni Pres. Rodrigo Duterte na sugpuin ang bawal na gamot.

Negative ang resulta sa lahat na uri ng droga, pati na rin doon ang Tetrahydrocannabinol na tumutukoy sa Marijuana.

Pero kamakailan lang ay nagpu-post si Rafael sa Instagram tungkol sa pananaw niya sa bisa ng Marijuana o Cannabis bilang gamot.

Hindi namin sinasabing gumagamit ng Marijuana si Rafael pero isa siya sa napaka-vocal na suportado niyang ma-legalize na gawing gamot ang Marijuana.

Ilang beses din na­ming nakapanayam ang Kapuso actor tungkol sa isyu ng naturang ha­laman.

Aminado siyang naranasan niyang naka­kagamot ito sa ina niyang maysakit.
Magaling na raw ang kanyang ina, at naniniwala silang ang Marijuana ang nakagamot.

Kahit si Robin Padilla ay nag-post din sa social media tungkol sa pagiging medicinal ng Mari­juana.

Isa ring talent ni Popoy ng Luminary na si Tom Rodriguez na iyun daw ang treatment sa kanyang amang nagka-cancer.

Legal sa Amerika itong alternative medicine at iyun ang in-apply na gamot sa kanyang ama.

Napansin namin ang ilang post ni Rafael na nag-react sa sinasabi ng ilang netizens na may masamang dulot ang Marijuana.

Bahagi ng caption sa IG post ng aktor, “Know your facts before posting your so called facts. You claim to have no local based therapeutic or scientific research about this plant, then how come you have so many facts about the negatives?

“If you decided to take in the negative information, then why didn’t you even consider taking in the positive information?”

Sina-suggest niya sa netizens na mag-research dahil nakikita lahat iyun sa internet.

Huwag daw bastang magbigay ng conclusion sa isang bagay kung hindi pinag-aralan nang mabuti, at nakabase lang sa mga haka-haka.

Nanghihinayang lang si Rafael dahil tumatagal lang at walang nangyayari, ang dami pa sanang buhay na masalba kung napag-aralan nang mabuti ang bisa nitong halaman.

Bahagi ng mahabang caption niya sa isang post, “I’m thankful for their time and effort for hearing us out.

“But how much longer will it take, and how many more will lose their lives until they realize and actually start researching something that could have saved thousands of lives
ages ago?”

Nagparating pa ng mensahe si Rafael sa mga taong naniniwala sa bisa ng Marijuana.

Aniya, “To the #cannahopefuls, we won’t give up on you. All lives matter and everyone should have the right to treat their illnesses in their own chosen ways.

“If chemicals don’t work,one has to seek the natural remedies.”

***

Mukhang hindi pa rin type ng mga manonood ang mga pelikulang may kabadingan base sa dalawang pelikulang ipinalabas, ang The Third Party at Bakit Lahat ng Guwapo May Boyfriend?.

Hindi gaanong ma­lakas ang The Third Party nina Angel Locsin, Sam Milby at Zanjoe Marudo. Sinundan ito ng Bakit Lahat ng Guwapo May Boyfriend nina Anne Curtis, Dennis Trillo at Paolo Ballesteros na mas mahina raw.

Ayon sa aming source, mahigit P4M lang ang kinita nito sa first day of showing. Pero mukhang maganda ang feedback ng mga nakapanood kaya inaasahang pi-pick-up ito sa weekend. Tingnan na lang natin.

Mas maganda raw kasi itong Boyfriend kesa sa Third Party kaya posibleng lumakas pa at makabawi ang Viva films.

May isa pang kaba­dingan ding Die Beautiful na pinangunguna­han ni Paolo Ballesteros.
Tingnan natin kung paano ito i-take ng mga manood.