HINDI natapos ang ta­ping ng afternoon drama ng GMA 7 na Sinungaling Mong Puso nu’ng nakaraang linggo dahil biglang isinugod sa ospital si Rafael Rosell.

Ayon sa kuwentong i­pinarating sa amin, nagulat ang co-actors ni Rafael at production staff nang biglang nanigas ang katawan ni Rafael at namimilipit ito sa sakit ng tiyan pagkatapos kunan ang isang mabigat na eksena.

Ang buong akala nila, na-stroke ang Kapuso actor.
Natakot sila dahil parang hirap na hirap na itong hu­minga.

Kinumusta namin si Rafael sa manager niyang si Popoy Caritativo, medyo okay na ang alaga niya.

Pero nasa hospital pa rin ito nu’ng nakaka-text namin si Popoy.
Sabi ng doktor, nagkaroon ng hyperventilation at anxiety attack si Rafael.

Sobrang nadala raw ito sa mabigat na eksenang kinunan, at hindi ito nakabitiw sa karakter na ginampanan niya,

Hindi naman itinanggi ni Popoy ang narinig naming may problema sa set nila dahil daw sa isang staff na walang ginawa kundi magtatalak at magsisigaw sa ibang staff.

Apektado raw si Rafael sa ganung kanegahan.
Malamang na iyun ang tinutukoy ni Rafael sa mensahe niya sa Instagram na ipinost niya nu’ng araw na inatake siya.

Nasa caption nito, “If you’re the captain of the ship, and you find yourself kicking and screa­ming at your whole staff and crew, then maybe the problem is not with them, but with you.

“Care for your crew, and they’ll take care of you. Be too focused on the mission and you’ll find yourself kicking and screaming.”

Isa sa hashtag sa post na iyun eh #HappyS(h)et.

May ilang staff na nagkomento ng “So true” at pati si Rhian Ramos ay may ‘lol’ emoticon.

Aware si Popoy sa ganung problema, kaya ipinarating na niya sa bosses.