Rafael, nag-blackout kay Kris

RAFAEL at KRIS

NAKATRABAHO na dati ni Rafael Rosell si Kris Bernal sa mga variety show at sa mall shows, pero hindi pa sila nagkakatrabaho sa isang teleserye. Ngayon pa lang sa Impostora.

Magkatambal sila sa bagong Kapuso afternoon soap.

Ayon kay Rafael, after ng intense scenes nila ni Kris at love scenes ay masasabi niyang isa si Kris sa pinaka-professional na artista na nakatrabaho niya sa GMA.

Nang usisain ng press tungkol sa intimate scenes nila ni Kris, ang sabi ni Rafael ay ayaw niya itong i-share dahil personal experience na niya ‘yon.

Panoorin na lang ang eksena dahil may nuances na lumabas roon na hindi niya in-expect na nu’ng pinanood na niya ay nangyari pala.

Ani Raf, parang nag-blackout siya nu’ng mag-action si direk at bumalik siya sa sarili niya nu’ng mag-cut na ito.

Good kisser si Rafael, sabi ni Kris.

Ang reaksyon ni Raf, a kiss is so intimate at medyo awkward kapag pinag-usapan ito sa harap ng mara­ming tao.

Aniya, kung anong interpretation ng mga tao sa experience niya na ‘yon ay sa kanila na ‘yon.

Basta siya ay very great ang experience na ‘yon para sa kanya at honored siya that Kris trusted her sa lahat ng gagawin niya sa eksena nilang ‘yon.

Sa July 3 ang simula ng Impostora sa GMA Afternoon Prime.