Rafael, tsalap-tsalap sa beach

Rafael Rosell at Kris Bernal

AFTER ng pilot week nila, magre-resume na ng taping today ang Impostora nina Kris Bernal at Rafael Rosell.

Inusisa namin ang isang production staff kung bukod ba sa love scenes ni Rafael sa dala­wang characters na ginagampanan ni Kris sa show ay may topless scenes pa ba ang aktor?

“Abangan n’yo na lang ‘yung beach scenes ni Rafael. Meron ding mga eksena na shirtless siya habang nagba-boxing,” ang sabi ng kausap namin.

Sa ganda kasi ng katawan ni Rafael, naa-appreciate ng viewers kapag shirtless ang aktor, huh!

Hindi nakakapagtaka ang pagkakaroon ng magandang pangangatawan ni Rafael dahil bukod sa mahilig siyang mag-exercise, vegan ang kanyang diet.

Piling-pili ang kinakain ni Rafael.

Kahit sa set ng Impostora, nagdadala ng sariling pagkain si Rafael para mapanindigan niya ang kanyang vegan diet.

Madalas din, dahil alam ng staff na may ganoong diet si Rafael, nagpapahanda sila sa catering department ng special food para sa aktor.