Nag-rally ang isang grupo ng mga guro sa Liwasang Bonifacio, Maynila nitong Lunes nang hapon para kondenahin ang ginawa umanong “trial by publicity” sa isa nilang kabaro sa television program ng brodkaster na si Raffy Tulfo.

“Hindi ka Diyos, hindi ka awtoridad at hindi ka PRC (Professional Regulation Commission) mayroon tanggapan na dapat dumisiplina sa isang guro kung nagkamali. Ginawa namin ang lahat para maturuan at madisiplina ang mga bata,” ayon sa Alliance of Concerned Teachers (ACT).

Ala-una nang hapon nang magsimulang dumagsa ang mga guro sa Liwasang Bonifacio para suportahan at ihingi ng hustisya ang ginawa umanong panghihiya ni Tulfo sa kabaro nilang si Melita Limjuco.

Kinondena ng grupo ang ginawa umanong harassment kay Limjuco at nanawagan ng due process para sa proteksyon ng mga guro. (Juliet de Loza-Cudia)