tonite-annyeong-rose-garcia

Matatagalan pa ang hihintayin ng mga taga­hanga ni Kim Tae Hee na mapanood ang idolo nila sa big or small screen.

Isang masayang balita kasi para sa mag-asawang Kim Tae Hee at ng South Korean actor/singer na si Rain ang naging announcement ng management company ng aktres noong February 27. Na si Tae Hee ay kasalukuyang buntis sa ikalawang anak nila ni Rain.

Ikinasal sina Tae Hee at Rain noong January 19, 2017 at same year rin, October 25, 2017 nang ipanganak ng aktres ang una nilang anak. One year old na nga ang baby girl nila na bago pa man mag-2-year-old ay ipapanganak naman niya ang second child nila.

Ang official statement na inilabas ng BS Company, “Kim Tae Hee recently became pregnant with her second child, and she is expected to give birth this September. She has become the mother of two children.

“After welcoming her first daughter in October 2017, Kim Tae Hee is currently very excited and grateful for another blessing in the form of her second child. Her condition is stable, and she is focusing on taking care of the baby’s well-being.

“We would like to sincerely thank those who have always shown a great deal of love for Kim Tae Hee and watched over her with a kind eye. We would be grateful for your blessings and congratulations on the arrival of this new life.
Congratulations to Kim Tae Hee and Rain!

‘Yun nga lang, mas lalong naantala ang pagbabalik showbiz ng aktres. Few months ago ay muli itong nagkaroon ng appearance for an endorsement at may mga talks nga na may mga offers na ito for drama na kino-consider.

Pero dahil sa announcement ng second pregnancy niya, siguradong mapu-put on hold pa ang anumang planong comeback ni Tae Hee.

Ang huling pelikula pang ginawa ni Kim ay ang “Iris: the Movie” noong 2010 at ang hu­ling drama na pinagbidahan niya ay ang “Yong-pal” noong 2015.

Si Tae Hee along with Song Hye Kyo, Ha Ji Won, Park Shin Hye ang isa sa kinikilalang sikat at mahusay na aktres din sa South Korea.