
May reklamong hinaharap ngayon si Rain dahil sa magulang niya. May pinagkautangan daw na pera ang parents ng singer-actor ilang taon na ang nakakaraan.
Ang nag-post sa online community ng South Korea ay ang anak ng diumano’y pinagkautangan ng mga magulang ni Rain.
Ang nakalagay sa title ng post sa online, “Singer Rain’s parents have not repaid the money they borrowed from my parents and have disappeared.”
Base sa post ng netizen, ang mga magulang daw niya ay may pagmamay-ari ng rice store at ang mga magulang ni Rain ay meron namang rice cake store sa Seoul Yong Moon Market. Taong 1998 pa nang mangyari raw ito.
Nangutang daw ang mga magulang ni Rain ng 17 million won (approximately, $15,000) na halaga ng bigas at 8 million won (approximately $7,000) in cash. Nang pakiusapan daw ang mga ito na bayaran ang inutang, nawala na lang daw ang mga ito. At that time, hirap umano sila financially.
Bukod dito, may tila ebidensiya ang netizen dahil may ipinost itong promissory note.
Sabi pa niya, “My parents are now over 50 years old. I have written to Rain and tried to contact him, but I haven’t succeeded. The time to sue has passed, and I don’t have the ability to take legal action either. Repay the money, even if it is now.”
Hindi naman dinedma ni Rain ang kumakalat na ito sa online community, lalo pa nga’t siya na ang hinahanap at pilit na kinokontak.
E, ang mommy ni Rain ay pumanaw na. Kaya naman kahapon, November 27, may source mula sa sariling agency ni Rain ang naglabas ng press release.
Sa ngayon, iniimbestigahan pa raw nila kung totoo nga ang paratang sa mga magulang ng singer-actor.
“Hello, this is Rain Company. We ask for your understanding in being late releasing our official statement in order for us to verify the truth and respond cautiously regarding the issue.
“We are currently in the middle of ascertaining whether what’s being said is accurate. As what the other side is claiming has to do with [Rain’s] mother who is deceased, we will quickly meet with those involved and check the existence of the debt and will do our best to come to a resolution.”
Sigurado naman kung mapapatunayan ang naturang utang ay kaya nitong i-settle. Sa dami ng mga investment ni Rain, walang duda na aayusin niya ito kung hindi ito fake news.