Nananawagan ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na iwasan ang anumang mass gathering sa paggunita at pagprotesta ng ika-122 selebrasyon ng Araw ng Kalayaan ngayong Biyernes.
Pakiusap ni PNP Chief General Archie Gamboa sa publiko, iwasan ang anumang pagtitipon kung saan magsasagawa ng isang simpleng paggunita sa araw ng kalayaan sa Rizal Park ngayong Biyernes.
Base kasi sa bagong inanunsyo ng Inter Agency Task Force on COVID-19, 10 katao lamang ang pinapayagang mag-participate sa commemoration rites na gagawin sa Rizal Park, habang nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).
“On the part of the PNP, we will strictly enforce the IATF protocols. We appeal to the public, especially to organized groups, to avoid mass gatherings as we celebrate this important day,” pahayag ni Gamboa sa ipinadala nitong statement sa media.
May temang “Kalayaan 2020: Towards a Free, United and Safe Nation” ang gagawing indepencence day ngayong Biyernes. (Edwin Balasa)