Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagsasagawa ng kilos-protesta sa mga kalsada habang nananatili sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila.

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año, sa ilalim ng GCQ ay istriktong ipinapatupad pa rin nila ang pagsasagawa ng mass gathering at physical distancing.

Sinabi ni Año, marami paring COVID-19 cases sa NCR kaya marapat lamang na manatili pa sa tahanan ang publiko kung wala rin lang mahalagang lakad at gawain.

Aniya, hindi pa maaaring gawin ang lahat ng normal nang ginagawa dati at mayroon namang ibang paraan para magpahayag ng protesta at hindi kailangan makaabala sa ibang mamamayan.