
Umaariba at tila pumapag-ibig na pangmalakasan na ang Pambansang Harot Maja Salvador, huh! Ang diva that you love, ang konklusyon at obserbasyong ito ay galing sa mga larawang kanyang ibinahagi sa kanyang social media account.
Sa iammajasalvador IG account niya, dalawang larawan nila ni Rambo Nuñez ang masisilayan. Glamour kung glamour ang drama nilang dalawa. Si Salvador, naka-black bustier with air blown tulle skirt. Si Rambo naman, naka-all gray number.
Para silang nasa fashion shoot sa biglaang tingin. Pero kung malikot ang inyong mga imahinasyon, puwede rin namang pre-nuptial photo shoot patikim kaya ito? (Dumalo sila sa wedding – Ed)
Sa unang kuha, nagtitigan ang starting over again couple at ang nakapatong ang kamay ni Maja sa balikat ni Nuñez. Hindi puwedeng maikaila ang matatamis nilang mga ngiti at malalagkit na tinginan.
Ang susunod na photo for posterity, si Rambo, naka-tingin na sa camera. Si Salvador, ninanamnam ang every inch of reunited and it feels so good hombre at ang kamay ng object of her affection, malambing na kinakabig ang bewang ni Maja.
Ang paandar na ganito, ang bongga-bongga naman! Puwede na ba tayong sumigaw na mabuhay ang bagong kasal para sa dalawang ito?
Maja had her fair share of complicated relationships. Who would have thought na ang isang dating minamahal ang magpapaniwala sa kanyang mula na meron pa palang magpakailanman? Kung totoo ngang nagkabalikan sina Salvador at Rambo, masasabi na ba nating ang pagmamahalang nadarama nila sa ngayon ay walang kapantay? Ang Universe talaga, works in mysterious ways lalo na sa mga bagay patungkol sa romansa.
Magic Marco hinubuan ng dalawang babae
Hindi na nagtataka ang diva that you love kung sa malapit na hinaharap, ang all female group na Belladonnas at ang alpha males na Clique V ay bonggang-bongga ang mga karera.
Sa katatapos nilang back-to-back concert sa Skydome na pinamagatang “This Is Me,” hindi puwedeng itanggi na mahuhusay silang mga performer, lalo na sa pagsasayaw.
Of course, walang duda dahil nga marami silang iba pang engagements, mahahasa at huhusay pa silang lalo sa pagkanta at delivery ng mga spiels.
Alam din nilang pakiligin at patilihin ang kanilang mga tagahanga. Dumadagundong talaga ang Skydome dahil sa collective tilian ng mga kanilang tagahanga.
Para sa diva that you love, ang mga showstopper sa concert ay ang contemporary pas des deux ni Gabby at ni Rie na “Buwan” ni JK Labajo ang ginamit na awit.
Si Rie, parang may ballet training dahil when she stretched her leg, naka-point ang toes at may linya. Mukhang Korean si Gabby on stage. May connection ang pair dahil talagang grabe ang kanilang eye contact.
Sa mga hombre na nanood, tiyak na nagngalit ang kanilang mga ugat at ang mga tinatago nilang mga muscle, may chance na galit na galit dahil nga super scorching ang kanilang Cell Block Tango mula sa musical na “Chicago.”
Ladies in heat, clad in the sexiest lingerie, gigil na gigil, in character talaga ang Belladonnas na ang emote ang ipinagtatanggol lamang ang kanilang karahasan at trahedyang ibinigay sa kanilang mga kapareha. In fairness sa mga girls, sa number na ito, keri nilang maging vixens at may alam sa pag-arte.
Ang best number para sa diva that you love, siyempre pa ay ang Magic Mike number ni Marco! Juice colored! Best in paggiling! Check! Best in pagkanyod! Check na check! Best in lean and mean na katawang pang-romansa! At pasabog kung pasabog ang kanyang mga very sexual gyration.
Ang mga babaeng back-up dancer, ang sarap gurlisan dahil sila ang naghubo sa dance pants ni Marco at ‘yun na nga, pinakakita niya sa lahat ang kanyang yummy buttocks kasi nga t-back underwear lang ang kanyang suot. Suwerteng-suwerte ang dalawang hitad na babaita dahil sila ang nakasilay sa Felix Bakat ni Marco, huh!
Sa kanilang ipinakitang pagsasayaw at pagkanta, walang duda na the future is indeed bright para sa Belladonnas at Clique V. Mabuhay kayo! Mahusay kayo!