In fairness sa ilalim ng bagong administrasyong Duterte na nasa pang-100-araw sa serbisyo ngayong araw, Oktubre 8, 2016 ay hindi natin maikakaila ang malaking pagbabagong nangyayari sa peace and order situation ng ating bansa.
Matiwasay na nating masasabi ang ilang bahagi ng bansa dahil sa malaking pagbagsak ng bilang ng antas ng krimen.
Ang pagbaba ng bilang ng antas ng krimen ay malinaw na resulta ng pinaigting na kampanya kontra iligal na droga na isa sa ipinangakong reresolbahin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sandaling maluklok sa puwesto.
Kaya naman sa unang tatlong buwan pa lamang sa kapangyarihan ni Pangulong Duterte ay naging masigasig ang pamahalaan sa pangunguna ng ating kapulisan sa pakikipaglaban sa iligal na droga gayundin sa kriminalidad na talaga namang naramdaman ng taumbayan ang positibong resultang kampanya sa laban sa droga dahil sa biglang paglaho ng masasamang-loob na dati ay umaatake sa ilang bahagi ng bansa lalo na sa Metro Manila.
Dahil sa magandang accomplishment ng gobyernong Duterte sa unang 100-araw ay isang pagsaludo ang nating ipaabot kay Pangulong Duterte at hangad nating magpatuloy ang naging magandang simulain ng kasalukuyang administrasyon hanggang sa makamit natin ang isang mapayapang komunidad at walang masasamang elemento na babagabag sa ating katahimikan.
Pero kasunod sana ng pagpapatatag ng seguridad ng taumbayan ay ang pagtutok naman ng pamahalaan sa iba pang problema ng bansa lalo na ang masikip na daloy ng trapiko na nagdudulot na ng negatibong epekto sa buhay ng bawat mamamayang Filipino.
Tama. Regarding sa traffic. Dapat ibigay na ang emergency power n hinihingi para masolusyunan na ang traffic
AGREE!